Jemina
The Battle of the Brainless is back!


Host: What 'N' (narra) is the
national tree of the Philippines?

Contestant: Niyog?
Host: Mas matigas pa diyan.

Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!

Host: Saan 'B' (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: Sa back?

Host: O sige, puwede rin na ang simula ay letter 'L' (Luneta).

Contestant: Likod?
Host: Hindi pa rin. Para mas madali, 'R.P.' ang initials ng modern name nito(Rizal Park).

Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)

Host : Saan 'B' (beach) tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant: Banyo?

Host: Hindi, pag pumunta ka
doon, maaarawan ka.

Contestant: Bubong?

Host : Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng
naka-bikini.

Contestant: Beerhouse!

Host: Anong 'L' (Lifeguard) ang tawag sa tao na
sumasagip sa iyo pag ikaw aynalulunod?
Contestant: Lifebuoy?

Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng ito.

Contestant : Safeguard?

Host:Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.

Contestant : Safe Buoy?

Host: Hindi siya 'boy'
at matipuno nga ang kaniyang
katawan.

Contestant: Ah, Mr. Clean!

Host: Anong 'S' (Salbabida) ang ginagamit na flotation device sa dagat upang hindi ka malunod?

Contestant: Sirena?

Host: Hindi! Hindi ito babae.

Contestant: Siyokoy?

Host: Hindi ito lalake.

Contestant: Siyoke?

Host: What 'S' (Sampaguita) is the national flower of the Philippines?

Contestant: Sunflower?

Host : Hindi. Bi nebenta ito sa kalye.

Contestant: Stork?

Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.

Contestant: Sitsarong bulaklak?

Host: Hindi pa rin. It ends with a letter 'A'.

Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?

Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa! Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa 'S', nagtatapos sa letrang 'A', at kapangalan ng isang sikat na singer?

Contestant: Si...Sharon Cuneta!

Host: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster (Eugene Torre) of Asia?

Contestant: Carole KING?

Host:Hindi, mas mababa sa king.

Contestant: Al QUINN?
Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.

Contestant: Armida Siguion-REYNA?

Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.

Contestant: BISHOP Bacani?
Host: Mas mababa sa bishop.

Contestant : Johnny MidNIGHT?

Host: Mas mababa sa Knight.

Contestant: Jerry PONS?

Host: Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa Chess. Yung kahuli-hulihang piyesa na lang.

Contestant: Sylvia laTORRE!

Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue,may initials na N.A. (Ninoy Aquino)

Contestant:Nora Aunor?

Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa 'Y'.

Contestant: Guy Aunor?

Host: Hindi.Dati siyang Senador.

Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?

Host: Hindi. Patay na siya.

Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!

One more dagdag:

Host: What 'K' (kalabaw) is the national animal of the Philippines?

Contestant: Kuto?

Host: Hinde. Clue, it tills the land.

Contestant : Kutong Lupa!
Labels: edit post
0 Responses

Post a Comment

Thank you for visiting. Please don't forget to leave your webprints so I can trace your site. Cheers!